Tao Lang from Steady Lang by japsuki
Tracklist
| 6. | Tao Lang | 4:10 |
Lyrics
Tao Lang
Kumain ka na ba?
Eto mainit pa
Baka mabulunan ka at
Mawalan ng panlasa
Nasobrahan sa tulog
Manyana
Nakulong sa usok
Hinika
Madali lang ang maging tao
Mahirap magpakatao
Mapuwing sa kinang ng tukso
Madali lang ang maging tao
Mahirap magpakatao
Pangalan mo'y angkinin ng bagyo
Nilamon ng kalikasan
So paano yan?
Kaninong pananagutan?
Mamamayan mamaya na
Ang bigat gagaan
Basta tayo'ng bubuhat diyan
Madali lang ang maging tao
Mahirap magpakatao
Mapuwing sa kinang ng tukso
Madali lang ang maging tao
Mahirap magpakatao
Pangalan mo'y angkinin ng bagyo
Sino pa kung hindi tayo
Tao lang naman ang may malasakit
Sino pa kung hindi tayo
Tao lang naman ang may malas
Tao lang naman tayo
Credits
from Steady Lang,
released August 24, 2025







