Bagong Luma from Steady Lang by japsuki
Tracklist
| 3. | Bagong Luma | 4:33 |
Lyrics
Bagong Luma
Bumabata na ang mundo
O tumatanda lang ba ako?
Dati piso lang ang hulog ko
Mula Vito Cruz hanggang Baclaran
May honesty lane pa sa toll gate... no shit!
Makinig ka na sa AM kung malakas ang ulan
Pag gising pa lang
Hello, party line?
Paki baba
Nagkakaigihan na kami ng kausap sa kabila
Ang dami nang bago ngayon
Pero puro luma pa din ang mga boses at mukha
Walang kadala-dala
Bago na ang tinig
Pagbigyan, pakinggan na muna
Tanging kapit-bisig ang tulay para umandar
Sa engot ko sa direksyon ay may mapa pa ako ng
QC, Makati, Manila, Laguna, Cavite,
Batangas, Megamall, MOA... ay sus!
Buti na lang ngayon
Lahat nasa cellphone
Mga problema sa buhay
Sagot na ng A.I.
Hindi ka na nag-iisa dahil
Pati ang makina may boses na
Bago na ang tinig
Pagbigyan, pakinggan na muna
Tanging kapit-bisig ang tulay
Tayo na ang umandar







