Kaisipantalya from Minorya Mixtape by DIM MAC
Tracklist
| 1. | Kaisipantalya | 2:26 |
Lyrics
Naglalakad bumabaybay, kumitid ang daan
Sinunog ang tulay, hindi palamangan
Etoy kaisipan, sariling likha lang
Alipin ng sining akoy nag uumpisa pa lang
Tamad sa paningin, sarili ay tignan
Akoy katulad mo, nagmamasid ka lang
Lahat ay konektado ngunit ang karamihan ay hindi nakikinig
Nasa bakuran lang ako sa kaalaman akoy nag didilig
Pano kaya kong hindi mo nabatid
Sa mga nagsasabing masyadong ng pilit
Laking pasasalamat parin kasi kayoy nakikinig
Hindi mo man nakita ang mga ginawa
Pagkat puro lang mali ang iyong pinupuna
Balik sa nakaraan, turo dito, turo jan
Dami ng tanong bakit ganto, bakit ba ganyan
Bayan kong mahal, bayad pag mahal
Ngunit walang bayad to, libre pag sampal
Ng realidad natin, gaya ng hinain
Dito sa pinakinggan mo parang bagong saing
Hindi mo malunok ang pagmamalaki
Pano kung ganun? Edi walang mangyayari
Hindi mo malunok ang pagmamalaki
Pano kung ganun? Edi walang mangyayari
Hindi mo malunok ang pagmamalaki
Pano kung ganun? Edi walang mangyayari








